Masamang Mag-isip ng Masama sa Iba
Kung kilala mo ako, ako yung taong madalas magdala ng pera ng eksakto lang. Sa isip ko anytime naman pwede ako magwithdraw sa atm, at pamasahe lang naman ang kailangan ko, madalas akong ganito kapag papasok sa opisina o uuwi na. Sakto, otso pesos sa jeep papasok at otso pesos ulit pabalik. Walang hassle, aabot lang pagsakay ang bayad ko, no need for change, no frills.
May isang pagkakataon na kinulang ako ng pamasahe at hindi sa jeep, sa van pa. Dati pa yun, 6 yrs ago. Ang siste, eto yung van na sinisingil isa isa ang pasahero bago umalis ang van, walang kawala.
Segurista to-its, bago aq magbyahe nagtext ako sa kaibigan ko na madalas mag van papuntang southwoods the night before. It went something like this:
Ako: Magkano pamasahe van to southwoods? Magvavan na lang aq bukas ng madaling araw kasi tinatamad ako bumiyahe ngayon.
Friend: 45
Ako: Sigurado?
Friend : OO
So back to the kwento, last three passengers ika nga at aalis na. So prente, upo aq pagkasakay, dami kong dala nun, dalawang oversized bags na mabibigat parang naglayas lang, tapos may paperbag pa, at dahil aq nga ang swerteng napapwesto malapit sa pinto ng sasakyan, ako ang unang siningil.
Enter Manong Maniningil in the picture:
Manong: San ka Miss?
Ako: Southwoods Manor Hotel (ready na ko magbayad ng saktong 40,hawak ko na nga eh)
, dalawang bente)
Manong: 45
( splitsec dialogue to my self: shetshetshet kulang ang pera ko!)
Ako: Sabay tingin sa katabi kong walang kamalay malay na makokotongan in an instant. (Mukhang suplado to sabi ko sa isip ko, mukhang hindi matulungin, ahh bahala na)
"Meron po ba kayong 5 peso coin, kasi yung wallet ko (na walang laman haha) nasa pinakailalim pa ng bag ko, eh mahirap pa kunin ) (sinungaling haha)
No name guy: Automatic bigay ng 5 peso coin (parang nasusian lang ba)
Ako: thanks talaga ha, sabay bayad kay Manong.
(sa isip ko buti nakalusot, whew, si friend maling info!)
Buti binigyan ako at hindi ipinahiya ng katabi ko.
Kasi nga "masamang magisip ng masama sa iba."
Kung kilala mo rin talaga ako, eh alam mong ulyanin ako, as in! May isang beses, na sa unahan pa ko ng jeep sumakay, wa pakels male-late na agawan na sa jeep dami pasahero, sige hala sampa sa unahan. Parang amazona lang.
Bayad time, kinapa ko ang wallet ko sa bag ko at wala ang wallet ko! oops dont despair, I have another one yung puro coins ang laman. Shet sana dala ko, shehet. At sa awa ng Maykapal, nakapagbayad ako kasi dala ko. Kinabahan talaga ako dun.
Hindi ko rin alam pero kapag sumasakay ako ng jeep, napapansin ko kung sino yung mga hindi nagbabayad. Pag narinig ko na sila ng "Para" sabi ko sa isip ko: Ay hindi pa nagbabayad, bababa na. Ang sama eh noh. Buti natatapat sila sa mabait na drayber, at hindi sa mga klase na nagpaparinig mayat maya ng ganito:
"Hoy yung mga wala pang bayad jan magbayad na".
Take this case, isang pahina sa mga jeep experiences ko:
Merong sabit, nagbayad na siya, nakita ko. Malapit na siya bumaba kaya sinabihan nya ang drayber ng : Boss sa pagibig lang ha. Eh ang haba ng jeep, sinigaw nya yun para marinig ng husay ni drayber nakasigaw mayatmaya.
Drayber: Ganyan naman kayong mga mahilig sumabit, iwas bayad.
Pasahero: Nagbayad na ko, pagkasakay q inabot ko na explain explain and more explanation. Second the motion si pasaherong malapit sa sabit. OO nagbayad na siya, sigaw kay mamang drayber, galit. haha affected masyado.
Hanggang makababa, si pasaherong nagbayad na, nagsasalita pa rin syang nakabayad na sya.
Well, sa hirap ng buhay,oo every peso counts, pero masama pa ring magisip ng masama sa iba. Inosenteng pasaherong nagbayad na pero pinagbintangang hindi pa. Sabit pa yun ha.
Ngayong gabi, habang nasa byahe ako, nagtext sa kin ang pinsan ko. Pakibili daw sya ng dinner sa jollibee. Oops wala akong perang dala kundi tsarran Sakto pamasahe! As in marami xang orders. May atm akong madadaanan pagbaba ko ng jeep ,tamang tama, pwede dun.
Habang natatanaw ko na ang atm, nasa isip ko,problem solved.Walang nagwiwithdraw. Medyo madilim sa lugar, yung atm kasi oo sa gilid xa pero talagang literal gilid ng building,parang napilitan lang isingit ang atm. Kung merong magwiwithdraw, dapat pang umakyat ng hagdan, mga tatlong baitang, sakto lang ang espasyo para sa isang tao talaga. (more emphasis on this fact). Paakyat na ko sa hagdan ng may nakita akong nakabulagtang lalaki. Natutulog. Pwedeng pwedeng magising siya kasi halos sinakop nya espasyo ng harap ng atm! Pwede siyang magising at holdapin ako hindi ba.. Pwede siyang magising at upakan ako, adik pala, oh eh pano na?
Bahala na, dahan dahan akong umakyat at nagwithdraw, shox ang ingay ng atm! Ang resibo ang tagal lumabas! OC ako so inintay ko talaga ang resibo. Lumipas ang sandali at natapos rin, nakaalis ako ng hindi siya nagising. Kahit tumatakbo sa isip ko na baka any moment bigla na lang ako hawakan sa binti ni Kuya at sabihan nya akong istorbo. Mission accomplished. I was able to buy my cousin his dinner from Jollibee.
Tingnan mo nga naman nakauwi ako ng bahay ng maluwalhati at ang pobreng natutulog lang naman ng mahimbing sa maliit na espasyo na napili nya ay walang kamalay malay na pinagisipan na pala ng hindi maganda ng kapwa nya.
Masama nga kasing magisip ng masama sa iba.
Naranasan mo na ba yun? Ang magisip ng masama sa iba? Napakadali kasing humusga, gumawa ng konklusyon sa utak, magformulate ng kung ano anong hinuha, at lagyan ng label ang isang tao,sitwasyon,o pangyayari. Oo guilty ako minsan sa ganun. Lahat naman tayo eh.
Pero paano kung ikaw naman ang pinagiisipan na ng hindi maganda? Hinuhusgahan ng mga taong wala namang relevance sa buhay mo, hindi mo kilala, hindi mo kaano-ano. Will their not so good thoughts about you bother you? Ilan sa kanila, posibleng maging kaibigan mo,katrabaho, o maging kasintahan mo pa. Sasabihin kaya nila sa yo na once they thought something bad about you?
Hindi ako naniniwalang first impression lasts, pero it takes time to really get to know someone, beyond the facade, beyond the mind made judgments.
Panahon lang ang magsisiwalat ng ugali ng iba sa iyo. Minsan simpleng sitwasyon lang, pero irereveal na nito ang isang layer ng pagkatao ng isang nilalang sayo. Pero mahirap magpakasigurado, akala mo kilala mo na, hindi pa pala talaga. Maraming layers ang personality ng isang tao, kumplikado. Mahirap manghusga, mahirap mahusgahan . Mas mabuting kilalanin mo muna ang isang tao diba. Kung talagang hindi mo kayang itolerate ang quirks nya, di hindi. Atleast napatunayan mo base sa pagkakakilala mo na hindi mo kayang sakyan ang trip nya. Mahirap namang ipilit ang isang bagay na hindi mo kayang tanggapin.
See the goodness in every one. Oo madaling sabihin, pero alam kong sasang ayon kang mas masayang kasama at ang gaan ng pakiramdam kapag kapiling ang taong swak na swak sa personalidad mo. Tanggap mo siya, ano man ang ugali, toyo, at quirks nya, kasi nga kilala mo na talaga siya, at mas kilala mo ang sarili mong keri mong pakisamahan sya.
Bottomline: Masama pa ring magisip ng masama sa iba.
Biktima ka nito, biktima ako, maaring biktima rin ang boss mo, ang jowa mo, ang katulong nyo, in short kahit sino napagisipan na at nahusgahan ng masama ng kung sino.
Pero sa kabilang banda, alam nating lahat na patuloy nating ginagawa at gagawin ito. Paulit ulit, araw araw, bukas, sa isang linggo o sa isang buwan. Napakadali kasing humusga, gumawa ng konklusyon sa utak, magformulate ng kung ano anong hinuha, at lagyan ng label ang isang tao,sitwasyon,o pangyayari, diba?
Sabi nga ng kaopisina ko eh " Matiks na"